Kilala na Kita : Spoken Word Poetry by Denise Danielle

Nung unang beses na tumibok ang puso mo, kilala na kita Hindi pa man nakikita ng mga magulang mo ang mukha mo, alam ko na Hindi pa nila alam ang ipapangalan sayo, kung babae ka o lalaki, pero ako kabisado ko na Kabisado ko na ang hulma ng mukha mo lalo na kapag tumatawa ka Ngunit ang pinaka-ayoko ay ang hulma nito kapag umiiyak ka

Nung unang beses na tumibok ang puso mo, kilala na kita Alam ko na na magiging akin ka Alam ko na darating ang panahon na makikilala mo din ako Matatagalan ngunit hindi mapipigilan ang ating pagtatagpo Masasabi mong oo, sigurado ako na magkikita tayo Kahit malawak ang mundo at madami kang gagawin sa buhay mo Oo, sigurado ako na tayo’y magtatagpo

Nung unang beses na tumibok ang puso mo, kilala na kita Alam kong gugustuhin mong makilala din ako Ngunit maaaring matagalan o magkaberya Pero sigurado akong pipiliin mo ako Kahit ilang taon pa ang lumipas, kahit ilang tao pa ang dumaan sa buhay mo Sa akin ang bagsak mo

Nung unang beses na tumibok ang puso mo, kilala na kita Doon sa pagkakataon na yun, sobra na akong naging interesado sayo Sa bawat taon na dinadagdag sa buhay mo Binibilang ko ang bawat hibla ng buhok mo, o bawat nunal na meron ka sa katawan mo Kabisado ko ito

Nung unang beses na tumibok ang puso mo, kilala na kita Napagtagpi-tagpi ko na ang storya mo Nalaman ko na kung ilang beses kang maliligaw sa landas mo Pero babalik ka, babalik ka sa kung kanino ka talaga nakalaan At yun ay sakin Hindi magiging madali ang lahat para sayo pero pinapangako kong sasamahan kita

Nung unang beses na tumibok ang puso mo, kilala na kita Alam kong lalaki kang may mga kinatatakutan at kinasisiyahan Alam kong darating yung araw na kamumuhian mo ang bagay na dati’y mahal na mahal mo Alam kong magbabago ang mga hilig at ayaw mo pero hindi ko alintala ito Dahil sigurado ako na ako ay isa mga hindi magbabago sa paningin mo

Nung unang beses na tumibok ang puso mo, kilala na kita Alam kong mahuhulog ka sa kanya at posibleng masaktan ka niya Ngunit hinayaan ko lang Parte yan ng buhay mo at handa akong tiisin ang sakit para lang matuto ka Alam kong kukwestyunin mo ako sa mga bawat desisyon ko para sayo pero hindi ka tatalikod Dahil alam mong ni minsan hindi rin ako tumalikod sayo At hinding-hindi ko gagawin ito

Nung unang beses na tumibok ang puso mo, kilala na kita Alam ko kung kailan bibilis ang tibok ng puso mo Pag kinakabahan ka, pag sobrang saya mo o kaya pag nagagalit ka na Alam ko kung kailan parang hihina ang tibok nito Dahil sa mensaheng natanggap mo na nagdulot ng lungkot at takot para sayo Alam ko ang lahat ng ito

Alam ko rin kung kailan titigil ang pagtibok ng puso mo Pag tapos na ang lahat kapag natapos na natin ng sabay ang storya ng buhay mo Titigil na ito, pabagal ng pabagal hanggang sa mawala ito At sa pagkakataong iyon, babalik ka sa bisig ko Kung saan unang beses kong inilahad ang katauhan mo

Nung unang beses na tumibok ang puso mo, kilala na kita Kaya magtiwala ka sakin Dahil hindi kita hahayaang mawala sa paningin ko Sa oras na piliin mong makilala ako

Video: Free Film Clutters by Paweł Wróblewski

Music: Slow, Calm and Peaceful Instrumental Music

Advertisements